Sa totoo lang..

sa totoo lang talaga,napaka palad ko talagang tao dahil sa hirap maghanap ng trabaho ngayon ay may trabaho ako. :D (Thank you Lord) pero dahil sa kadahilanan ay kailangan kong mag resign sa Appco. Napaka ganda na sana doon, yung environment chill lang, hindi stressful. Yung mga workmates ayos naman pakisamahan. Everything is really nice, unless sa byahe papuntang office.

Alam ko walang madaling trabaho, kelangan mo muna danasin ang hirap ng buhay bago ko matunton ang tunay na sarap. :D (oyeah!) pero sobrang hirap talaga bumyahe going to Gen. Trias up to Ayala Makati. Literal, ang hirap. Mas pagod pa ako sa byahe ko sa araw araw kesa sa trabaho ko sa office. :(

Imagine, gigising ako ng 5:00am para mag ayos at aalis ako ng bahay around 6am, traffic sa may Edsa, kaya inaabot ako minsan ng 45 min., ang sikip sa Mrt dahil sa dami ng taong pumapasok sa opisina, nagmamadali ako palagi kasi ang call time ko ay 8am. Pakyu! HAHAHAHA :D Pag uwian naman, maglalakad ako going to Ayala Gardens(sa tapat nun), para sumakay ng bus going to pala2, napaka palad ko kung may mauupuan ako, kung wala. magtiis ka sa tayuan byahe o mag pa cute ka para may maawa sayong lalaki para maka upo ka. HAHAHAH :D Traffic pa pag uwian, kung swerte, mga 9pm nasa bahay na ako kundi naman 10pm onwards. Syempre kakain ka pa at makikipag kwentuhan sa pamilya mo kaya matutulog ka ng mga 12 o 11 ng gabi. 5 oras lang ang tulog ko palagi. Nakakapagod. Bumabawi na lang ako ng tulog sa byahe.

Nakakapagod. Nakakaurat. Lahat na. Kaya I decided na mag resign na at siguro talaga ay sobra sobrang pagmamahal sakin ni Lord, tumawag ang Sm sakin. Oh please hindi cashier ang trabaho ko dun. Treasury Assistant. Well, related sa math and money pero yun ang ayaw ko e. HAHAHAHAH :D Pero si Lord dun talaga ako dinadala.

Mas malaki ang sahod ng offer sakin ng Sm kesa sa Appco at mas established na di hamak ang SM. Kaya Im really grateful na natanggap ako dun. Napaka bait ni Lord talaga. At may freebie pa, mas malapit lang samin yun. 2 rides lang ako. At mas makaka tipid ako dahil ang main goal ko naman is mag abroad for next 2 years. :))

Thank you Lord sa maraming blessings. At for lifting up my patience at faith. Totoo nga, nothing is impossible. <3

May 28,2012 • 2 notes Reblog

Im with Him last night. Pumunta ako ng office nila para i-surprise siya thou, alam niya na naman talaga na ppunta ko pero syempre akala niya kasi Joke na pupunta ko yun kaso Failed pa din dahil nakita niya ko kagad nung hinahanap ko palang siya. Badturp! >.<

Ayunn. I miss him. Kahapon na lang ulet kami nakapag date. Kahapon na ulet kami kumain sa labas. Kahapon na lang ulet kami na kapag kwentuhan. Kahapon na lang ulet kami nag holding hands while walking. Kahapon na lang ulet ang kiss. Kahapon na lang ulet. (Ang korni ko putek)

Pero seryosohan. Namiss ko siya. Namiss ko yung amoy niya. Namiss ko yung pabango niya. Namiss ko talaga siya. Miss na miss pa nga e. Tengene kasii. >.< Yung sana tumigil yung oras kahit saglit para masulit namin yung moment.

From their office, we went to Dasma, Bayan. Dun ko siya dinala sa Turo-turo station kasi I really want to eat kwek-kwek, fishballs, lahat ng street foods.

Pag stress o kapag nalulungkot ako. Lagi akong pumupunta dun. My comfort place everytime I felt shity. Kahit mag isa ako o may kasama. Nakakamiss kumain ng kumain na wala kang inaalala, your just having fun while eating. Aside sa may Dasma, meron pa kong isang alam na lugar kung saan puro ganito din. Yum :P

After that Inaya ko siya sa Dungalo’s pero ayun hanggang sa we both decided na sa Countryside nalang malapit sa UMC. :)) Yum. Sobrang full. Dun ko lang siya nakita na di inubos ang pagkain sa kanyang plate at hindi kinain ang tira kong food. Sobrang takaw kasi. Busog na busog ang bata batuta.

We’ve talked a lot of things. Nagkulitan. Nagasaran. Nagbangayan. Like we used to happen when we we’re together. Honestly, bumalik yung ngiti ko ulet. Yung feeling na ang healthy ng puso mo sa sobrang saya. I can’t explain everything or what I really feel inside basta alam ko masaya ako.

May 25,2012 • Reblog

Mga mapanghusgang..

..komentong natatanggap ng mga babaeng nasa isang long-term relationship.

HINDI NA RAW SILA VIRGIN.
• “Ay HINDI NA YAN VIRGIN.”
• “Pustahan, laspag na yang babaeng yan.”
• “Sus maniwala kang hindi pa yan nagagalaw.”
• “Sa tagal nilang yun wala pang nangyari? Imposible.”
• “Naku kilala ko ang boyfriend niyan, malibog yun diba.”

Ang saklap lang napakamalisyoso rin ng utak ng karamihan satin. Palibhasa sila yung mga ilang weeks or months palang bumigay na. Kung lalaki naman ang nagkomento, palibhasa puro easy yung nakuha nila. KAYA AKALA NILA YUNG IBANG TAO TULAD NILA.

May mga lalaking marunong rumespeto,
May lalaking marunong maghintay,
May babaeng kayang tumanggi,
May babaeng ayaw kung ayaw.

MAY MGA RELATIONSHIP NA NAGTATAGAL NG WALANG SEX. Believe it or not. :))

May 24,2012 • Reblog

Birthday mo na nga, sesrmonan ka pa. Walang pinapalampas na araw. Susko po!

May 19,2012 • Reblog

Why its so hard to explain everything to mom? Kakainis talaga! >.<

May 19,2012 • Reblog




Sweet Escape ♥



Shyie Suario.
BS Business Administration major in Operations Management
Pirates \m/







imperfect lass. struggling through womanhood. 20-teen will forever be a teen.. loved. loves. alive.


Stalk Me;

FACEBOOK TWITTER FORMSPRING



template by sweetmsery.
resources:
converted by Me.Myself. I.